Ang Konsepto ng Sustainable Development

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang konsepto ng sustainable development

Ang terminong sustainable development ay pangkaraniwang inililiwat sa Filipino bilang “napapanatiling pag-unlad” at “likas-kayang kaunlaran.” Ito ay prinsipyo sa pag-aayos para sa pagsusustini ng limitadong resources na kinakailangan sa pagtugon maging sa pangangailangan ng mga susunod na henerasyon.

Ang Kahulugan ng Sustainable Development

Ang sustainable development ay kaunlaran na nakatutugon sa pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon na may pagsasaalang-alang din naman sa mga pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. Ang sabi nga, “Aanhin pa ang sosyo-ekonomikong kaunlaran kung ang kapalit naman nito’y pagkasira o pagkawala ng kalikasan”

Karaniwang ipinapaliwanag ang likas-kayang kaunlaran bilang magkakatugma, hindi nakakapinsala sa maselang pandaigdigang ekosistema, hindi nangangailangan ng pagkaubos ng pinagkukunang-yaman, at hindi nagdudulot ng masama at hindi makontrol na panlipunan at pang-ekonomiyang epekto. Nakapaloob dito ang lubos na paggamit sa mga tubo at benepisyo ng kaunlarang pang-ekonomiya, habang kasabay nito ay pagprotekta at pagtiyak sa pagpaparami ng de-kalidad at magagamit nang matagalan na mga likas na yaman.

Nakapaloob sa sustainable development ang uri ng pagkonsumo na mabuti sa kapaligiran, tulad ng makikita sa sumusunod na pag-uugali:

a. paggamit ng mga kalakal sa matipid at makatuwiran na paraan

b. Hindi pagtangkilik sa mga kalakal na mula sa mga hindi napapalitang likas na yaman at lumilikha ng mga mapanganib na dumi o basura pagkatapos gamitin

c. pagbili at paggamit ng mga kalakal na may maliit na pinsala sa kapaligiran

d. pag-konsumo ng mga kalakal na eco-friendly  (halimbawa ay mga pagkain na walang chemical addities, preservatives, at mga kauri nito.) (© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com)

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Kasaysayan ng Pagkabuo ng Konsepto ng Sustainable Development

SA MGA GURO:

Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

Also Check Out: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.