Ang Kaugnayan ng Mga Gawain at Desisyon ng Tao sa Pagbabagong Pangkapaligiran

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga gawain at desisyon ng tao sa pagbabagong pangkapaligiran

Mahalagang ating naipaliliwanag ang kaugnayan ng mga gawain at desisyon ng tao sa pagbabagong pangkapaligiran. Ito ay bahagi ng pagtugon sa mga kalamidad o suliraning pangkapaligiran.

Mga Gawain at Desisyon ng Tao at Pagbabagong Pangkapaligiran

May masamang epekto sa kalikasan ang paggamit ng maraming tao ng mga enerhiya na hindi likas-kaya (sustainable). Ang halimbawa nito ay ang pambuong-mundo at pang-araw araw na paggamit ng fossil fuel sa mga sasakyan, pabrika, at iba pang uri ng makina at kasangkapan.

Kabilang sa mga fossil fuels ang karbon, langis, at natural na gas. Hindi ito tinuturing na mapagkukunan ng napapanatiling enerhiya dahil ito ay limitado at hindi makukuha saan man sa mundo, at ang mas masama, nagiging sanhi ito ng napakalawak na polusyon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga ito ng mga nakakapinsalang gas.

Ang madalas na paggamit ng tao at pagdepende sa fossil fuels ay nagbubunga ng panganib sa kapaligiran at pagkasira ng kalikasan. Ang karbon at langis ay dalawa sa mga pangunahing mapagkukunan na nagdudulot ng bultu-bultong carbon dioxide sa hangin. Nagdulot ito ng paglala ng global warming at climate change.

Maging ang malabis at walang pagtitipid na paggamit ng mga produkto ay may masamang epekto sa kapaligiran. Halimbawa, nuong mga unang panahon, napakalawak pa ng kagubatan ng Pilipinas. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng puno at hayop, at maging sa malinis na tubig at sariwang hangin na nalalanghap.

Subalit dahil sa pagdami ng tao at kaalinsabay ng urbanisasyon, unti-unting nawala ang ating kagubatan. Dahil sa mga gawain ng tao na may kinalaman sa o industriyalisasyon, nagkaroon ng maraming pabrika na nagdulot ng polusyon sa tubig, hangin, at lupa.

Ang mga pang-ekonomiyang gawain ng tao at ang pangkomersiyong pagtugon ng mga kumpanya sa pangangailangan ng marami ay nagdulot ng pagkawala at pagkasira ng ating kagubatan.

Maaaring hindi batid ng marami, unti-unting nawawala at nasisira ang ating kapaligiran at kalikasan.

Kung gayon, hindi maikakaila na may malaking kaugnayan ang mga gawain at desisyon ng tao sa pagbabagong pangkapaligiran.

Ang mga simpleng gawi gaya ng paglalakbay lulan ng sasakyan, pagpapaandar ng mga aparato at makina, maging ang pagtatapon ng basura ay may tuwirang epekto sa kalikasan.

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Mga Kasalukuyang Hamon Sa Pagtamo Ng Sustainable Development

SA MGA GURO:

Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.