Ang Kaugnayan ng Graft and Corruption sa Aspektong Pangkabuhayan at Panlipunan

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang kaugnayan ng graft and corruption sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan

Narito ang mga idinudulot ng graft and corruption sa kabuhayan at buhay panlipunan ng mga mamamayan:

1. Dumarami ang naghihirap

Kapag malala ang korapsiyon, kaunti ang serbisyong pangmamamayan ng gobyerno na nakararating sa mga tao. Ang pondong para sana sa serbisyong medikal, pang-edukasyon, o pangkabuhayan para sa mga mamamayan ay nababawasan o nawawala dahil naibubulsa ng mga corrupt na opisyal. Lalong nararamdaman ang malaking puwang sa pagitan ng mayaman at mahirap.

2. Tumataas ang presyo ng bilihin at serbisyo

Dati nang mataas ang mga bilihin at serbisyo sa bansa. Lalo pa itong magtataasan sapagkat babawiin ng mga negosyante mula sa mga mamimili ang kinikil sa kanila ng mga kurakot na nasa puwesto. 

3. Tumataas ang buwis, nananatiling mababa ang sahod

Tiyak na mababawasan ang kaban ng bayan nang walang katuturan kapag hindi napigilan ang graft and corruption. Kapag nagkaganun, ang pasahod para sa manggagawa na naglilingkod sa bayan (gaya ng mga guro at pulis) ay hindi maitaas, at mapipilitan pang itaas ang ipinapataw na buwis sa mamamayan para magkaroon ng pondo ang bansa.

 4. Bumabagsak ang ekonomiya

Apektado ang ekonomiya ng matinding graft and corruption. Ang mga lokal at dayuhang namumuhunan ay malabong magtayo ng negosyo sa mga lugar na marami ang tiwaling nanunungkulan o malala ang sistema ng pangungurakot. Kapag kaunti ang negosyo, kaunti ang hanapbuhay at maraming mamamayan ang walang makuhang trabaho.

5. Nagsasara ang maliliit na negosyo

Magsasara na lamang ang mga negosyo na walang gaaanong kapital dahil sa taas ng buwis bukod pa sa hinihinging “lagay” ng mga korap na opisyal. (© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com)

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Mga Paraan Upang Maiwasan ang Graft And Corruption sa Lipunan

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.