Ang Katolisismo at ang Same-sex Marriage
Ang Katolisismo at ang Same-sex Marriage
ni Jens Micah De Guzman/MyInfoBasket.com
Ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko ang sekswal na aktibidad sa pagitan ng magkaparehong kasarian. Ang turong ito ay umusbong sa pamamagitan ng maraming mga ekumenikal na konseho (ecumenical councils) at sa pagtuturo ng mga teologo, kasama ang mga itinuturing na Ama ng Simbahan (Church Fathers).
Sa ulat ng ucanews.com (“Philippine bishops voice concern over same-sex marriage”; 10/7/16), ang mga obispong Katoliko ay nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa iminungkahing legalisasyon upang payagan ang kasal sa parehong kasarian sa Pilipinas. “Hindi ibig sabihin na dahil lang sa ang ibang mga bansa ay mayroong same-sex marriage, ay dapat na rin tayong sumunod,” sabi ni Arsobispo Ramon Arguelles ng Lipa.
Pinaninindigan ng mga pinuno ng Simbahang Katoliko na ang kasal ng magkaparehong kasarian ay hindi lamang laban sa banal na batas (divine law), kundi laban din sa batas ng tao at batas natural (human and natural law). “Ang kasal na sang-ayon sa kalooban ng Diyos ay sa pagitan ng isang lalaki at isang babae,” sabi ni Obispo Honesto Ongtioco ng Cubao.
“Ang layunin ng pag-aasawa ay magkaroon ng isang pamilya, mga anak, ngunit kung ang mag-asawa ay magkatulad ang kasarian, ang higit na magdurusa sa sitwasyong ito ay ang kanilang anak dahil hindi ito normal,” dagdag pa ni Bishop Arguelles … ituloy ang pagbasa
(Para sa iba pang mga argumento na panig at kontra sa same-sex marriage, maaaring sangguniin ang blog na “Same Sex Marriage: Good or Bad for our Society?” sa OurHappySchool.com).
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.
=====
To post comment, briefly watch this related short video: