Natatalakay ang Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran ng Pilipinas

Napakahalaga na natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas. Isa ito sa mahahalagang paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu.

Ito ay magdudulot ng kamalayan sa mga tao upang matugunan nang mabisa ang mga kalamidad at iba pang suliraning pangkapaligiran.

Ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang bansa kung saan malimit ang pagdating ng mga matitinding mga kalamidad na nagdudulot ng sakuna.

May malaking kinalaman dito ang kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan o kapaligiran.

Ang Kalagayang Pangkapaligiran ng Pilipinas

Mahalagang maunawaan ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas upang makita ang mga suliranin at ang mga akmang pagtugon sa mga ito.

Kasama sa kalagayang pangkapaligiran ng pilipinas ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad. Ang mga ito ay halimbawa ng mga kontemporaryong isyu na nasa ilalim ng suliraning pangkapaligiran.

Narito ang ilang halimbawa nito:

a. landslide o pagguho ng lupa, putik, o mga bato
b. epidemya o mabilis na paglaganap ng mga nakahahawang sakit
c. lindol o mabilis na paggalaw o pag-uga ng lupa
d. buhawi o ipu-ipo

e. tsunami o serye ng malalaking alon
f. bagyo (‘typhoon/storm’),
g. storm surge o di-pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat
h. baha  (‘flooding’),
i.‘flashfloods’ o rumaragasang agos ng tubig na may kasamang ibang baga

Ang mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas

Tangi sa mga nabanggit sa itaas, kasama rin sa mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas ang ‘man-made calamities.’ Ito ay ang mga kalamidad na bunga ng mga gawain ng mga tao na mabibilang din na kontemporaryong isyu.

Ang ilang halimbawa nito ay ang dumi, ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran na tinatawag na polusyon. Nakapaloob rin sa isyung ito ang polusyon sa lupa, tubig, at hangin. (Kaugnay: Kaugnayan ng Gawain at Desisyon ng Tao sa Pagkakaroon ng Kalamidad)

Ang madalas na paksa ng umga sapang pangkapalogiran sa asalukuyan na climate change o global warming (pagtaas ng temperatura sa daigdig) ay bunga rin ng iresponsableng pagpapasiya at pagkilos ng mga tao. (Basahib: Ang Epekto Ng Climate Change Sa Kapaligiran, Lipunan, At Kabuhayan Ng Tao Sa Bansa At Sa Daigdig)

Ang pagkakalbo o labis na pagputol ng mga puno sa kagubatan, pagkonsumo o paggamit ng langis o petrolyo, at mga teknolohiyang nangangailangan ng mga kemikal gaya ng ‘chlorofluorocarbon’ at ‘hydrofluorocarbon’ ay nagpapataas ng temperatura ng kapaligiran.

Kasamarin sa mga suliraning pangkapaligiran ay ang deporestasyon (deforestation). Ito ay tumutukoy sa pagkaubos ng mga puno sa kagubatan na epekto ng sobra at di legal na pagputol at pagsunog ng mga ito, oil spill sa karagatan, at pagmimina.

Pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas

Napakahalaga ang pagtugon at paghahanda sa pagdating ng mga kalamidad lalo na’t sa madalas na pagkakataon ay hindi naman alam ng tao kung kailan ito magaganap.

Panuorin: Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)

Kaya naman ang Disaster Risk Mitigation at preparasyon para sa kalamidad ay isa ring mahalagang paksa sa ilalim ng kontemporaryong isyu. (Basahin: Mga Paghahanda sa Harap ng Kalamidad)

Bilang pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas, mahalaga rin Ang Pagkakaroon Ng Disiplina At Kooperasyon Sa Pagitan Ng Mga Mamamayan At Pamahalaan Sa Panahon Ng Kalamidad.

Bilang bahagi pa rin ng pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran, kailangang matutunan ng mga mag-aaral ang paggawa ng Case Study Tungkol Sa Sanhi At Epekto Ng Mga Suliraning Pangkapaligiran Na Nararanasan Sa Sariling Pamayanan.

Sa panig naman ng mga lokal na pamahalaan, marapat nap ag-aralan at maayos na ipatupad Ang Mga Angkop na Hakbang ng CBDRRM Plan.

*Libreng lektura para sa kasunod na MELCNatutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran

*Hanapin ang iba pang paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o anomang aralin dito:

Copyright © 2013-present by Prof. Jensen DG. Mañebog and MyInfoBasket.com

Para sa mga Guro: Maaari itong i-share bilang reading assignment ng mga mag-aaral.
Para sa mga makabuluhang free lectures gaya nito, sangguniin ang: Homepage: Mga Kontemporaryong Isyu

Basahin: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. Mañebog

Mga libreng lektura para sa MELC:

Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Mga Kaugnay na Artikulo (Mga Kontemporaryong isyu)

Ang Mga Hakbang Ng Pamahalaan Sa Pagharap Sa Mga Sulliraning Pangkapaligiran Sa Sariling Pamayanan

Ang Mga Suliraning Pangkapaligiran Na Nararanasan Sa Sariling Pamayanan

Paggawa ng Case Study: Sanhi at Epekto ng mga Suliraning Pangkapaligiran

Mga Kasalukuyang Hamon Sa Pagtamo Ng Sustainable Development

Kasaysayan ng Pagkabuo ng Konsepto ng Sustainable Development

Ang Iba’tibang Istratehiya at Polisiya na May Kaugnayan sa Pagtamo ng Sustainable Development na Ipinatutupad sa Loob at Labas ng Bansa

Ang Iba’t Ibang Uri Ng Kalamidad Na Nararanasan Sa Komunidad At Sa Bansa

Ang Mga Angkop na Hakbang ng CBDRRM Plan

Alamin: The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog

Sa mga Mag-aaral: Para makapaglagay ng komento, panuorin: