Ang Kahalagahan ng Pagiging Mulat sa Mga Kontemporaryong Isyu
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig
Maraming kontemporaryong isyu ang pinag-uusapan sa lipunan at daidig. Mainam na magkaroon ang isang tao ng kamulatan ukol rito.
Anu-ano nga ba ang kadahilanan kung bakit dapat maging mulat sa mga ito?
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu, batay sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog:
Maari mong panuorin ang short educational video o ituloy ang pagbasa. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):
1. Upang maging mulat sa mga bagay at kaganapan
Sa ating bansa, hindi lamang sarili nating kultura ang maoobserbahan kundi pati na rin ang kultura ng iba’t-ibang uri ng dayuhang naninirahan o bumibisita sa atin.
Sa pag-aaral ng mga napapanahong isyu at mga kaganapang internasyonal, magiging maalam ang tao kung paano pakikibagayan ang mga taong may iba’t ibang kultura.
Ito ay totoong totoo lalo na’t ang tinatawag na globalisasyon ay isa nang reyalidad. Tayo ay wala nang magagawa kundi sumabay sa daloy nito at maging bahagi ng mundo na ngayon ay tila napakaliit.
Upang makasabay, dapat na may kaalaman tayo ukol sa mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng mundo partikular na ang mga isyu patungkol sa globalisasyon. (Kaugnay: Political Dynasty sa Pilipinas: Ilang Bentaha at Positibong Epekto)
Kapag nagbibiyahe sa ibang bansa, mainam na magkaroon ng kaalaman sa mga kaganapan sa mundo bago pa gawin ito. Di kanais-nais na magulat o masorpresa sa mga pangyayaring di inaasahan sa biyahe o sa pagbisita sa ibang lugar.
Kapag mulat sa kontemporaryong mga isyu, magkakaroon ng kaalaman ukol sa mga kaugalian at tuntunin sa bansang pupuntahan, sa mga taong makakasalamuha, at sa mga kaganapan ruon (halimbawa, civil war, tsunami, pagsabog ng bulkan, at mga kauri nito.).
2. Upang makagawa ng matalinong pagpapasiya
Ang sapat na kabatiran sa mga kontemporaryong isyu ay nagbibigay-daan upang makapagdesisyon ang isang tao kung saan siya papanig ukol sa mga isyu na nakakaapekto sa kanya. Kung walang sapat na kabatiran, hindi masasabing matalino ang magiging opinyon ukol sa isang isyu.
Makagagawa siya ng hindi na pagpapasiya ukol sa kung gagawin ba niya, halimbawa, sa kaniyang buhay ang isinasaad sa RH Law, pipiliin ba niyang makipagdiborsiyo kung sakaling isabatas ito sa bansa, o gagamit ba siya ng marijuana kung ito man ay gawing legal.
Para sa mga halimbawa ng Kontemporaryong Isyu, panuorin ang educational video. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):
3. Upang maging produktibo
Mapagbubuti ang mga oportunidad sa hanapbuhay kung magiging maalam sa mga napapanahong isyu. Dahil mahigpit ang kompetisyon sa paghahanap ng trabaho, dapat gumawa ng paraan ang isang indibidwal upang magkaroon ng kalamangan sa ibang mga kapwang naghahanap nito.
Ang pagkakaroon ng kaalaman at kaunawaan sa mga kasalukuyang kaganapan at mga internasyonal na isyu ay magagamit upang makumbinsi ang potensyal na kumpanyang inaaplayan na kuhanin ang kaniyang serbisyo. Ang isang taong may matibay na hanapbuhay ay kabilang sa mga mamamayang itinuturing na produktibo sa lipunan.
Sa panig ng mga mag-aaral, ang kanilang kaalaman sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makapagbubukas sa kanilang mga kaisipan sa mga suliranin at makapagtutulak sa kanila sa pag-iisip ng mga sagot sa mga ito. Sinasabing ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan sapagkat sa kanila rin magmumula ang mga magiging lider ng bansa sa hinaharap.
4. Upang makapag-ingat
May mga kontemporaryong isyung maaring maglagay sa panganib sa buhay ng mga tao tulad ng ukol sa nakahahawang sakit (gaya ng COVID 19, AIDS, at Dengue), awayan sa teritoryo o hangganan, at terorismo. Ang pagiging mulat ay makapagliligtas sa tao sa kapahamakan. (Kaugnay: Mga Paghahanda sa Harap ng Kalamidad)
Makakaiwas din ang tao sa paggawa ng mga bagay na magdudulot ng kapahamakan. Halimbawa, may mga bansa na nagpaparusa nang mabigat sa gumagawa ng abortion, at nasasangkot sa prostitusyon at sa mga gawaing homosekswal.
Kung ang isang tao ay walang kamuwang-muwang ukol rito, maaring siya ay mapahamak. Gayundin, magagawa ng isang magulang na maalam ukol sa isyu ng bullying na mabilinan ang kaniyang anak sa mga dapat gawin upang maligtas rito.
5. Upang maging makabuluhan sa lipunan
Ang mga mulat o maalam sa mga kontemporaryong isyu ang makapagbibigay ng matalinong suhestiyon sa mga krusyal na isyung marapat hanapan ng solusyon. Sila rin ang pangkaraniwan nang may pagnanais na magboluntaryo o mag-alok ng serbisyo sa paglutas ng mga suliranin sa lipunan, bunsod ng lubos na pagkaunawa sa mga mahahalagang isyu.
Sa maraming paraan, ang mulat sa kontemporaryong isyu ay maaring makatulong sa kanyang mga kabababayan at sa lipunan.
Bagaman mga bata pa, mahalaga na ang mga mag-aaral ay mayroon nang nalalaman tungkol sa kanilang kapaligiran. Mahalaga na mayroon silang ideya sa mga nangyayari. Sa isyu ng pulitika, maaari nilang maipahayag ang kanilang saloobin ukol sa mga panukalang batas na may tuwirang epekto sa kanila.
Sa ganitong paraan, nagiging makabuluhan sila sa lipunan. (Kaugnay: Helpful Ways to Combat Hunger and Malnutrition)
At batay na rin sa silabus na mula sa DepEd, ang isa sa inaasahang magiging produkto ng mga estudyante sa pag-aaral sa kontemporaryong isyu ay ang makalikha ng programang pangkabuhayan o livelihood project batay sa mga yamang magmumula sa mga pamayanan upang makaagapay sa pagresolba ng mga suliranin patungkol sa kabuhayan na kasalakuyang kinakaharap ng mga mamamayan … ituloy ang pagbasa
SA MGA MAG-AARAL: Maaaring ilagay ang inyong assignment/comment dito sa comment section ng Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu
*Kung may nais kang hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu (hal. climate change; political dynasty, etc), i-search dito:
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Tunghayan: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog
Basahin: 15 Helpful Tips to Become a Successful Young Entrepreneur
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
Check Out: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. MañebogNOTE TO STUDENTS:
If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.