Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Mahalagang ating nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu. Isa ito sa mga pamantayan sa pampagkatuto na dapat matutunan, lalo na ng mga mag-aaral.

Mabuting magkaroon tayo ng kamulatan ukol sa mga Kontemporaryong. Anu-ano nga ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong isyu?

Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu, batay sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog:

Maari mong panuorin ang short educational video o ituloy ang pagbasa. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):

1. Upang tayo ay maging mulat sa mga bagay at kaganapan

Sa Pilipinas, hindi lamang sarili nating kultura ang maoobserbahan kundi pati na rin ang kultura ng iba’t-ibang uri ng dayuhang naninirahan o bumibisita sa atin.

Sa pag-aaral ng mga napapanahong isyu at mga kaganapang internasyonal, magiging maalam ang tao kung paano pakikibagayan ang mga taong may iba’t ibang kultura.

Tandaan na ang tinatawag na globalisasyon ay isa nang reyalidad. Tayo ay wala nang magagawa kundi sumabay sa daloy nito at maging bahagi ng mundo na ngayon ay tila napakaliit.

Kaya upang makasabay, dapat na may kaalaman tayo ukol sa mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng mundo partikular na ang mga isyu patungkol sa globalisasyon. (Basahin din: Political Dynasty sa Pilipinas: Ilang Bentaha at Positibong Epekto)

Lalo na kung magbibiyahe sa ibang bansa, mainam na magkaroon ng kaalaman sa mga kaganapan sa mundo bago pa gawin ito. Di kanais-nais na magulat o masorpresa sa mga pangyayaring di inaasahan sa biyahe o sa pagbisita sa ibang lugar.

Kung maalam sa mga kontemporaryong isyu, magkakaroon ng kaalaman ukol sa mga kaugalian at tuntunin sa bansang pupuntahan, sa mga taong makakasalamuha, at sa mga kaganapan ruon (halimbawa, civil war, tsunami, pagsabog ng bulkan, at mga kauri nito.).

2. Upang makagawa tayo ng matalinong pagpapasiya

Ang kaalaman sa mga kontemporaryong isyu ay nagbibigay-daan upang makapagdesisyon ang isang tao kung saan siya papanig ukol sa mga isyu na nakakaapekto sa kanya. Kung walang sapat na kabatiran, hindi masasabing matalino ang magiging opinyon ukol sa isang isyu.

Halimbawa, makagagawa ang tao ng pagpapasiya ukol sa kung gagawin ba niyacsa kaniyang buhay ang isinasaad sa RH Law, pipiliin ba niyang makipagdiborsiyo kung sakaling isabatas ito sa bansa, o gagamit ba siya ng marijuana kung ito man ay gawing legal.

Para sa mga halimbawa, basahin ang Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu o panuorin ang educational video. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):

3. Upang tayo’y maging produktibo

Bukod sa mga nabanggit, mapagbubuti ang mga oportunidad sa hanapbuhay kung magiging maalam sa mga napapanahong isyu. Dahil mahigpit ang kompetisyon sa paghahanap ng trabaho, dapat gumawa ng paraan ang isang indibidwal upang magkaroon ng kalamangan sa ibang mga kapwang naghahanap nito.

Magagamot din ang mga kaalaman at kaunawaan sa mga kasalukuyang kaganapan at mga internasyonal na isyu upang makumbinsi ang potensyal na kumpanyang inaaplayan na kuhanin ang kaniyang serbisyo. Ang isang taong may matibay na hanapbuhay ay kabilang sa mga mamamayang itinuturing na produktibo sa lipunan.

Ang kaalaman naman ng mga estudyante sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makapagbubukas sa kanilang mga kaisipan sa mga suliranin at makapagtutulak sa kanila sa pag-iisip ng mga sagot sa mga ito. Sinasabing ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan sapagkat sa kanila rin magmumula ang mga magiging lider ng bansa sa hinaharap.

4. Upang tayo ay makapag-ingat

Hindi lingid sa ating kabatiran na may mga kontemporaryong isyung maaring maglagay sa panganib sa buhay ng mga tao tulad ng ukol sa nakahahawang sakit (gaya ng COVID 19, AIDS, at Dengue), awayan sa teritoryo o hangganan, at terorismo. Ang pagiging mulat ay makapagliligtas sa tao sa kapahamakan. (Kaugnay: Mga Paghahanda sa Harap ng Kalamidad)

Kung maalam sa mga kontemporaryong isyu, makakaiwas din ang tao sa paggawa ng mga bagay na magdudulot ng kapahamakan. Halimbawa, may mga bansa na nagpaparusa nang mabigat sa gumagawa ng abortion, at nasasangkot sa prostitusyon at sa mga gawaing homosekswal.

Kung ang isang tao ay walang kamuwang-muwang ukol rito, maaring siya ay mapahamak. Gayundin, magagawa ng isang magulang na maalam ukol sa isyu ng bullying na mabilinan ang kaniyang anak sa mga dapat gawin upang maligtas rito.

5. Upang maging makabuluhan tayo sa lipunan

Ang mga taong maalam sa mga kontemporaryong isyu ay makapagbibigay ng matalinong suhestiyon sa mga krusyal na isyung marapat hanapan ng solusyon. Sila rin ang pangkaraniwan nang may pagnanais na magboluntaryo o mag-alok ng serbisyo sa paglutas ng mga suliranin sa lipunan, bunsod ng lubos na pagkaunawa sa mga mahahalagang isyu. Sa maraming paraan, ang mulat sa kontemporaryong isyu ay maaring makatulong sa kanyang mga kabababayan at sa lipunan.

Importante rin na ang mga mag-aaral ay mayroon nang nalalaman tungkol sa kanilang kapaligiran. Mahalaga na mayroon silang ideya sa mga nangyayari. Sa isyu ng pulitika, maaari nilang maipahayag ang kanilang saloobin ukol sa mga panukalang batas na may tuwirang epekto sa kanila. Sa ganitong paraan, nagiging makabuluhan sila sa lipunan.

Ang isa pa sa inaasahang magiging produkto ng mga estudyante sa pag-aaral sa kontemporaryong isyu ay ang makalikha ng programang pangkabuhayan o livelihood project batay sa mga yamang magmumula sa mga pamayanan upang makaagapay sa pagresolba ng mga suliranin patungkol sa kabuhayan na kasalakuyang kinakaharap ng mga mamamayan … ituloy ang pagbasa

SA MGA MAG-AARAL: Maaaring ilagay ang inyong assignment/comment dito sa comment section ng Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu

*Libreng lektura para sa kasunod na MELC: Natatalakay ang Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran ng Pilipinas

*Kung may nais hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin (Tagalog o English), i-search dito:

Copyright by © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Basahin: 15 Helpful Tips to Become a Successful Young Entrepreneur

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

Check Out: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. Mañebog

NOTE TO STUDENTS:
If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.