Ang Kahalagahan Ng Kooperasyon ng Mamamayan at Pamahalaan

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning panlipunan

Sa panahon ng COVID-19 crisis, nanawagan ang pamahalaan sa mga mamamayan na tumulong at makiisa sa pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease. Nangailangan ng kooperasyon at pakikiiisa ng bawat mamamayan para mapagtagumpayan ang laban kontra sa nakakahawang sakit.

Sapagkat ang proteksyon ng bawat isa ay proteksyon ng komunidad, inatasan ang publiko, lalo na sa mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), na manatili muna sa kani-kanilang bahay kung hindi rin lang mahalaga ang dahilan para lumabas.

Hinikayat din ang mga mamamayan na tumalima sa paulit-ulit na paalala ng pamahalaan para sa social distancing, pagsusuot ng face mask, at palagian at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o alcohol.

Nanawagan din sa mga bumiyahe sa mga dako na may kaso ng COVID-19 na mag-ulat sa kani-kanilang barangay officials o sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para magabayan sa self-quarantine at monitoring.

Pinaniniwalaan na ang iba ay nahawa sa sakit dahil sa hindi pagsunod sa pamahalaan at marami naman ang naligtas dahil sa pagtalima. Ang COVID 19 pandemya ay patotoo na mahalaga ang pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning panlipunan.

Bukod dito, ang kooperasyon ng pamahalaan at mga mamamayan ay mahalaga upang ang demokrasya ay mapanatili at mapagyabong. Mahalaga rin ito para sa kaunlaran sapagkat sa tulong ng mga tao ay maayos na mailulunsad ang mga programang para sa pag-unlad.

Kapag namamayani ang kooperasyon, naipararating ng mga tao ang kanilang saloobin sa mga kinauukulan, kaya nalalaman ng gobyerno kung mabisa ba ang kanilang mga ginagawa para sa mga mamamayan. Magkakaroon din ng peace and order dahil nabubuklod ng iisang layunin ang gobyerno at mga nasasakupan.

Ang kooperasyon ng mga mamamayan at gobyerno ay isa sa mga pundasyon ng demokrasya at sibil na lipunan. (Ituloy ang pagbasa: Ang Pagkakaroon Ng Disiplina At Kooperasyon Sa Pagitan Ng Mga Mamamayan At Pamahalaan Sa Panahon Ng Kalamidad

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Also Check Out: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog

Kaugnay: Mga Paghahanda sa Harap ng Kalamidad

===
To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL