Nasusuri ang Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon ng Mga Hamong Pangkapaligiran
Napakahalaga na nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. Ito ay dapat magawa ng lahat ng mamamayan, hindi lang ng mga mag-aaral.
Upang makaiwas sa mga kalamidad o mabawasan man lang ang epekto ng mga panganib sa kapaligiran, hindi matatawaran ang ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran. (Basahin din: Mga pamamaraan sa pangangalaga sa kapaligiran)
Maaaring suriin ang iyong barangay, halimbawa, kung ang lahat ba ay nagpapakita ng kahandaan at disiplina. Mayroon bang kooperasyon maging ang mga relihiyon at mga pribadong institusyon?
Ang Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon ng Mga Hamong Pangkapaligiran
Sa isang lektura ni Prof. Jensen DG. Mañebog, nagpakita siya ng mga totoong pangyayari kung saan ay napatunayan ang kahalagahan ng disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.
Matatandaan na noong Nobyembre 8, 2013, nanalasa ang super typhoon Yolanda o Haiyan sa Visayas. Naiulat na mahigit sa anim na libong tao ang nasawi, karamihan ay ang mga nasa Tacloban at paligid nito.
Sa maraming lugar, sinasabing nagkulang sa kooperasyon at koordinasyon ang gobyerno at mga mamamayan. Hindi umano naging sapat ang pagpapaliwanag ng mga otoridad sa storm surge, na inakalang mga tao na isa lamang karaniwang ‘storm’ o bagyo.
Sinasabi namang nagkulang sa disiplina ang maraming mamamayan. Nagkaroon ng malaking pinsala ang trahedya dahil na rin sa hindi agarang pagtalima ng mga tao sa bilin ng lokal na pamahalaan ukol sa paglikas sa mas ligtas na lugar.
Ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon
Kapansin-pansin naman ang naganap sa Camotes Islands sa Cebu na zero casualty o wala ni isang nasawi nang nanalasa ang bagyong Yolanda.
Napatunayan nila ang ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. Ang maayos na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at ng kanilang lokal na awtoridad ang naging dahilan ng kanilang pagkakaligtas.
Agad na nakapagbabala ang lokal na gobyerno sa mga nasasakupan ukol sa paglilikas. Ang mga mamamayan naman ay agad na sumunod sa Mga Ahensiya Ng Pamahalaan Na Responsable Sa Kaligtasan Ng Mamamayan Sa Panahon Ng Kalamidad.
Ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong
Nasubok din ang disiplina ng maraming Pilipino sa panahon ng pandemyang Covid-19. Ang karanasan natin sa COVID 19 pandemya ay patunay ng kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.
Masasabing nahawa sa sakit dahil sa hindi pagsunod sa pamahalaan. Marami naman ang naligtas dahil sa pagtalima. Basahin ang buong pagtalakay sa: Ang Pagkakaroon Ng Disiplina At Kooperasyon Sa Pagitan Ng Mga Mamamayan At Pamahalaan Sa Panahon Ng Kalamidad
Masasabi rin na ang kooperasyon ng pamahalaan at mga mamamayan ay mahalaga upang ang demokrasya ay mapanatili at mapagyabong. Mahalaga rin ito para sa kaunlaran sapagkat sa tulong ng mga tao ay maayos na mailulunsad ang mga programang para sa pag-unlad.
Kung mamamayani lamang ang kooperasyon, maipararating ng mga tao ang kanilang saloobin sa mga kinauukulan. Dahil ditto ay malalaman ng gobyerno kung mabisa ba ang kanilang mga ginagawa para sa mga mamamayan.
Kung may kahandaan, disiplina at kooperasyon, magkakaroon din ng peace and order dahil nabubuklod ng iisang layunin ang gobyerno at mga nasasakupan.Tandaan na ang kooperasyon ng mga mamamayan at gobyerno ay isa sa mga pundasyon ng demokrasya at sibil na lipunan.
*Libreng lektura para sa kasunod na MELC: Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright © 2013-present by Marissa G. Eugenio & MyInfoBasket.com
Para sa mga Guro: Maaari itong i-share bilang reading assignment ng mga mag-aaral.
Para sa mga makabuluhang free lectures gaya nito, sangguniin ang: Homepage: Mga Kontemporaryong Isyu
Basahin: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. Mañebog
Mga libreng lektura para sa mga MELC:
MELC 1: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
MELC 2:Natatalakay ang Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran ng Pilipinas
MELC 4: Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran
Mga Kaugnay na Artikulo (Mga Kontemporaryong isyu)
Ang Mga Hakbang Ng Pamahalaan Sa Pagharap Sa Mga Sulliraning Pangkapaligiran Sa Sariling Pamayanan
Ang Mga Suliraning Pangkapaligiran Na Nararanasan Sa Sariling Pamayanan
Paggawa ng Case Study: Sanhi at Epekto ng mga Suliraning Pangkapaligiran
Mga Kasalukuyang Hamon Sa Pagtamo Ng Sustainable Development
Kasaysayan ng Pagkabuo ng Konsepto ng Sustainable Development
Ang Iba’t Ibang Uri Ng Kalamidad Na Nararanasan Sa Komunidad At Sa Bansa
Ang Mga Angkop na Hakbang ng CBDRRM Plan
Alamin: The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog