Ang Imperyalismo sa Pilipinas: Kasaysayan at Kahulugan
Ang Imperyalismo sa Pilipinas
Ni Jensen DG. Mañebog / Jens Micah De Guzman (Copyright 2014)
Sa isang pagtitipon ng masa sa Caloocan, ang mga pinuno ng Katipunan ay nag-organisa ng rebolusyonaryong gobyerno, at pinangalanan itong “Haring Bayang Katagalugan,” at hayagang ipinahayag ang isang armadong rebolusyon sa buong bansa. Nanawagan si Bonifacio para sa isang pag-atake sa kabiserang lunsod ng Manila.
Mula noong 1565, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kolonyalismong Espanyol. Mabilis na naapektuhan ng imperyalismo ang lipunan, ekonomiya, at pulitika ng Pilipinas sa napakaraming paraan. Desperado ang Pilipinas na makamit ang kalayaan at sariling pamahalaan, ngunit sila ay sinasagkaan ng kapangyarihan ng imperyalistang Europeano.
Noong 1896, sumiklab ang Rebolusyong Pilipino. Ang rebolusyon na ito ay tumutukoy sa pag-aalsa at mga labanan sa pagitan ng mga mamamayan at mga rebelde ng Pilipinas at ng Kaharian ng Espanya kasama ng Imperyong Espanol at ng kanyang mga opisyal sa Spanish East Indies.
Nagsimula ang Rebolusyong Pilipino noong Agosto 1896, nang matuklasan ng mga awtoridad ng Espanyol ang Katipunan, isang lihim na organisasyong anti-kolonyal.
Ang Katipunan, na pinamumunuan ni Andrés Bonifacio, ay isang kilusang liberasyon na ang layunin ay ang pagkakaroon ng kalayaan at pagsasarili mula sa mahigit 300 taong kontrol ng Espanya sa pamamagitan ng armadong pag-aalsa. Naging maimpluwensya ang organisasyon sa nakararami sa Pilipinas.
Basahin ang ugnayan ni Bonifacio at Rizal: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
Sa isang pagtitipon ng masa sa Caloocan, ang mga pinuno ng Katipunan ay nag-organisa ng rebolusyonaryong gobyerno, at pinangalanan itong “Haring Bayang Katagalugan,” at hayagang ipinahayag ang isang armadong rebolusyon sa buong bansa.
Nanawagan si Bonifacio para sa isang pag-atake sa kabiserang lunsod ng Manila. Ang pag-atakeng ito ay nabigo; gayunpaman, ang mga karatig na lalawigan ay nagsimulang mag-alsa. Halimbawa, ang mga rebolusyonaryo sa Cavite na pinamumunuan nina Mariano Alvarez at Emilio Aguinaldo (na mula sa dalawang magkakaibang grupo ng Katipunan) ay nagkamit ng mga tagumpay.
Isang labanan sa kapangyarihan sa mga rebolusyonaryo ang humantong sa pagpapahintulot ni Aguinaldo sa pagbitay kay Bonifacio noong 1897. Ang kontrol ay nailipat kay Aguinaldo, na pinangunahan ang kanyang sariling rebolusyonaryong gobyerno.
Noong taong iyon, pinirmahan ng mga rebolusyonaryong pinamumunuan ni Aguinaldo at ng mga awtoridad Espanyol ang Kasunduan ng Biak-na-Bato (Pact of Biak-na-Bato) na pansamantalang nakapagpahupa sa mga kaguluhan.
Si Aguinaldo at iba pang mga Pilipinong opisyal ay nagpatapon (exile) sa kolonya ng Britain sa Hong Kong. Gayunpaman, ang mga kaguluhan ay hindi naman lubusang tumigil … ituloy ang pagbasa
Kaugnay: Mga Ideolohiyang Politikal
*Kung may paksa na nais mong hanapin (English o Tagalog), i-search dito:
Copyright 2014 by Jensen DG. Mañebog / Jens Micah De Guzman
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
TALAKAYAN:
Sa may FB comment section sa ibaba, sagutin ito ng di lalagpas sa tatlong pangungusap: Kung ang Pilipinas ay nasakop ng mga Briton sa halip na mga Espanyol, ano kaya ang maiiba sa kultura nating mga Pilipinbo? Gumamit ng #Imperyalismo #JensEnismo #[PangalanNgPaaralanMo]
Click when you’re DONE with your assignment
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.