Ang Iba’t Ibang Programa, Polisiya, At Patakaran Ng Pamahalaan At Ng Mga Pandaidigang Samahan Tungkol Sa Climate Change
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natatalakay ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng pamahalaan at ng mga pandaidigang samahan tungkol sa Climate Change
Mga Programa, Polisiya, at Patakaran ukol sa Climate Change
Mahalagang natatalakay ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng pamahalaan at ng mga pandaidigang samahan tungkol sa climate change. Maaaring sukatin sa pamamagitan ng mga ito kung sapat ba ang ginagawa ng mga kinauukulan para sa problemang pangkalikasan.
Hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas
Sa ating bansa, nagkaroon ng Climate Change Bill (SB 2583) na naisabatas bilang Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009 noong Oktubre 23, 2009. Pakay nito na bumuo ng Climate Change Commission na uugnay sa Local Government Units sa paglikha ng mga batas ukol sa climate change.
Noon namang 2014, nagkaroon ng paghahanda sa taunang pondo ng mga ahensiya ng pamahalaan ng budget tagging, na nagsilbing palatandaan sa mga proyekto at programa na tumutugon sa climate change.
Sa taon ding iyon, may 100 ecotowns na idinagdag ang gobyerno at nagkaroon ng mga pagsasanay sa paggamit ng Climate Exposure Database (Climex.db), isang computer app sa pagtukoy sa mga dako sa bansa at sa mga katangian ng mga ito kung handa ba o hindi sa mga kalamidad.
Dinaluhan ng dating Pangulong Benigno Aquino III ang Climate Summit sa New York na inorganisa ni United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-Moon noong Setyembre 23, 2014.
Nakipagkaisa rin ang bansa sa UNFCCC COP-20 sa Lima Peru noong 2014, kung saan ay napili pa ang ating bansa bilang pangulo ng Climate Vulnerability Forum, samahan ng maliliit na bansa na malabis na naapektuhan ng pagbabago ng klima. Kahayagan ang mga ito ng aktibong partisipasyon ng bansa sa mga isinasagawang pag-uusap at kasunduan ukol sa pagbabawas ng GHG.
Nilagdaan noong Nobyembre 2014 ng dating Pangulong Aquino ang Executive Order 174, isang climate change mitigation policy na naglalayong bumuo ng Philippine Greenhouse Gas Inventory Management and Reporting System na kokolekta ng baseline information ukol sa GHG emissions sa ilang sektor sa bansa; lumikha ng isang climate-resilient pathway; at tumulong sa pagkakaroon ng sustainable development.
Noong 2017, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Paris Agreement on Climate Change. Noon namang Nobyembre 2019, iginiit niya sa United Nations (UN) na patawan ng parusa ang mga kasaping pumirma sa kasunduan hinggil sa climate change subalit bigong tuparin ang kanilang mga ipinangako.
Sinabi niyang pagsasayang lamang ng pera ang pagdalo sa mga UN climate change conference kung wala namang nangyayari kundi puro salita lamang.
Sa layuning mailigtas ang kalikasan, iminungkahi ng pangulo sa mga LGU noong Nobyembre 2019 ang pagbabawal sa paggamit ng plastik sa bansa, lalo na ang paggamit ng single-use plactic. May mga lokal na pamahalaan na tumugon sa panawagan gaya ng Quezon City.
Hakbang ng mga pandaidigang samahan
Noong 1992, isinagawa ang unang pandaigdigang pagpupulong ukol sa pagbabago ng klima sa Rio de Janeiro, Brazil na tinawag na United Nations Conference on Environment and Development o Earth Summit.
Sa pagpupulong na ito nilagdaan ng 150 na lumahok na bansa ang United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na naglalayong mabawasan ang lebel ng ibinubugang GHGs sa kapaligiran. Ang kasunduan ay naging legally binding bilang international law noong ika-21 ng Marso 1994 para sa mga bansang nagratipika nito.
Noon namang Disyembre 1997, nagpulong ang 160 na mga bansa sa Japan at nakabuo ng kasunduang pinangalanang Kyōto Protocol. Ito ay pinaunlad na bersiyon ng UNFCCC na nagtatakda ng mandatory targets sa pagbabawas ng emisyon ng GHGs upang matalian lalo na ang mga mauunlad na bansa sa kanilang mga obligasyong pangkalikasan.
Ganunpaman, sa 166 na mga bansa na nagratipika sa Kyōto Protocol noong 2006, hindi kasama ang Australia at Estados Unidos. Noon pamang 2001, iniurong na ni US President George W. Bush ang suporta rito dahil ang mga kasunduan umano ay nagpapataw ng hindi makatarungang obligasyon at makapipinsala sa kanilang ekonomiya.
Samantala, ginanap naman ng European Union (EU) ang tinawag na Green Summit bilang tugon sa pagbabago ng klima. Dinaluhan ito ng 27 na bansa ng EU noong Marso 2007 kung saan nabuo ang milestone accord na nagtakda ng mga target sa GHG emission na sinasabing tumalo pa sa target ng Kyōto Protocol.
Noong Disyembre 12, 2015, nabuo ang Paris Agreement sa 21st Conference of the Parties of the UNFCCC sa Paris, France. Ang kasunduan ay nagtatakda ng tiyak na porsiyento ng dapat na ibabang GHG emissions ng bawat bansang kasapi. Nilagdaan ito ng Pilipinas noong 2017.
Noong Disyembre 2019, ang 25th United Nations Climate Change Conference, na tinawag ding COP25, ay ginanap sa Madrid, Spain. Bagama’t may mga nakulangan sa naging resulta ng dalawang linggong pagpupulong, may mga ibinunga din naman itong positibo. Ang European Union, halimbawa, ay nangako ng neutralidad ng karbon (carbon neutrality) pagdating ng 2050.
May 73 na bansa ang nag-anunsiyo na magsusumite ng pinahusay na plano para sa pagbabago ng klima (na tinatawag na Nationally Determined Contribution). May 14 na rehiyon, 398 na siyudad, 786 na mga negosyo, at 16 na investor ang nagsisikhay upang makamit ang net-zero CO2 emissions pagsapit ng 2050.
*Kung may paksa na gusto mong hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pa (hal. globalisasyon, political dynasty, etc.), i-search dito:
Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
To STUDENTS:
If the comment section here FAILS to function, COMMENT here instead: Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Epekto Ng Climate Change Sa Kapaligiran, Lipunan, At Kabuhayan Ng Tao Sa Bansa At Sa Daigdig
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist
Sa Assignment ng Mga Mag-aaral: Ilagay ang Komento rito:
Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)
=====
To post comment, briefly watch this related short video: