Ang Halaga ng Paggawa (Labor), Lakas Paggawa (Labor Force), at mga Manggagawang Pilipino
Ang paggawa (labor) ay anumang mahalagang serbisyo na ibinigay ng isang tao sa paglikha ng yaman, tangi sa pangangapital. Kasama rito ang mga serbisyo ng mga manwal na manggagawa.
Ang paggawa o pagtatrabaho ay makatwiran lamang na bayaran ng sahod o suweldo.
Ang lakas paggawa (labor force) sa bansa ay binubuo ng mga taong nasa tamang edad upang magtrabaho na may kaalaman at kakayahang makapag-ambag sa paggawa ng mga produkto o serbisyo.
Kasama sa konsepto ng lakas paggawa ang mga gawaing pisikal o mental ng tao na mahalaga sa produksyon at ang mga kakayahan at kasanayan ng mga manggagawa sa pagbibigay o paglikha ng mga produkto at serbisyo.
Totoong mahalaga rin ang iba pang salik ng produksyon gaya ng lupa, kapital o puhunan, at entrepreneur. Ganunpaman, mababalewala lamang ang mga ito kung wala ang lakas paggawa.
Ang mga manggagawa kasi ang nagsasama-sama ng mga hilaw na sangkap para maging mga produktong kapaki-pakinanabang. Dahil sa papel na ginagampanan ng lakas paggawa, ang mga hilaw na materyales ay nagiging finish products o kalakal na naibebenta at nakukonsumo.
Napakalaki ng ginagampanan ng mga manggagawang Pilipino sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ang lakas-paggawa ay napakahalagang puwersang nagsusulong ng kaunlaran ng bansa. Ang mga manggagawang Pinoy ang lakas na nag-aangat sa ekonomiya ng Pilipinas.
Copyright © by Jensen DG. Mañebog/MyInfoBasket.com