Ang Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan
Mga Epekto ng Migrasyon
Narito ang ilang halimbawa ng mga mabuti at masamang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan, hango sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog:
Nota: Para mapanuod nang buo ang educational video, mag-subscribe sa educational channel (kung hindi pa naka-subscribe):
1. Nababawasan ang ‘unemployment’ o kawalan ng trabaho at ang mga tao ay nakakakuha ng mas magandang oportunidad sa pagtatrabaho.
2. Ang migrasyon ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga tao.
3. Nakakatulong ito sa pagpapahusay ng buhay panlipunan ng mga tao habang natututo sila ng mga bagong kultura, kaugalian, at wika na makakatulong upang mapabuti ang kapatiran o relasyon nila sa iba.
4. Ang migrasyon ng mga bihasang manggagawa at talentadong propesyunal ay nagbubunga ng paglago ng ekonomiya ng isang rehiyon.
5. Ang mga kabataan ay nakakakuha ng mas magandang oportunidad para sa mataas o magandang edukasyon.
6. Ang population density at birth rate sa isang lugar ay nababawasan.
Mga Negatibong Epekto
Ang isa sa mga negatibong epekto ng migrasyon ay ang pagkawala ng mga tao sa isang lugar ay may epekto sa pag-unlad sa dakong iyon.
Nagkakaroon ng ‘brain drain’ o pagkaubos ng kapaki-pakinabang na ‘human resources’ sa isang bansa sapagkat ang kanilang mahuhusay na propesyunal ay sa ibang bansa naghahanapbuhay. (Ituloy ang pagbasa …)
Bukod sa mga nabanggit, nagkakaroon din ng paglaganap at pagpapalitan ng iba’t ibang kultura dahil sa migrasyon. Nagiging mas lantad ang tao sa iba’t ibang cultural values, paniniwala, ritwal, kaugalian, ideolohiya, relihiyon, tradisyon, paniniwalang politikal, at maging cuisine. … ituloy ang pagbasa
*Para sa komento, gamitin ang comment section dito: Mga Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan
**Kung may paksa na gusto mong hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pa (hal. globalisasyon, unemployment, etc.), i-search dito:
Copyright © by Vergie M. Eusebio and Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ano ang Territorial at Border Conflicts?
Mga Negatibong Epekto ng Migrasyon
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.
TALAKAYAN
1. Alin ang pangunahing dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa? Depensahan ang itong sagot
2. Anu-ano ang mga dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng Pilipinas? Magbigay ng isa at talakayin.
3. Ano ang pinakakaraniwang dahilan ng migrasyon palabas ng Pilipinas? Talakayin.
4. Ipaliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan sa bansa.
5. Talakayin ang epekto ng migrasyon sa aspektong pampulitika sa Pilipinas.
6. Ipaliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong pangkabuhayan.
TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL
E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin
a. Mag-online sa www.AlaminNatin.com. Sa pamamagitan ng search engine nito, hanapin ang blog na “Territorial at Border Conflicts sa West Philippine Sea.”
b. Basahin ang lektura.
c. I-share ang artikulo sa iyong social media account kasama ng iyong sagot sa tanong na: Batay sa artikulo, alin sa tingin mo ang mas may karapatan sa West Philippine Sea/South China Sea? Depensahan ang iyong sagot. Gumamit ng #WestPhilippineSea #[PaboritongPresidente]
e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga professional) na maglalagay ng makabuluhang komento sa iyong post.
f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.
====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu