Ang Epekto Ng Mga Suliraning Teritoryal At Hangganan (Territorial And Border Conflicts)
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamamayan
Mahalagang nasusuri ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamamayan. Lalo na sa panig ng Pilipinas na may suliraning teritoryal at hangganan sa mga karatig bansa nito.
Mga Epekto o Bunga ng mga Suliraning Teritoryal at Hangganan
Narito ang ilang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamamayan ayon sa propesor na si Jensen DG. Mañebog:
1. Epektong Panlipunan (Mga epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong panlipunan)
Ang territorial and border conflicts ay nagiging sanhi ng migrasyon o paglipat sa ibang lalawigan o bansa ng mga apektadong mamamayan. Malaki ang epekto nito sa buhay at pamumuhay ng mga lalo na kung ang salungatan ay nauwi sa armadong labanan o digmaan.
Labis na maaapektuhan ang pang-araw-araw na gawain ng mga tao gaya ng pag-aaral ng mga kabataan, at maging ang mga panrelihiyong aktibidad.
2. Epektong Pampulitika (Mga epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong pampulitika)
Apektado ng mga suliraning teritoryal at hangganan ang mga batas at pampolitikang programa ng mga bansang nag-aagawan. Nauubos minsan ang panahon ng isang gobyerno sa paghahain ng mga protesta ukol sa agawan ng mga teritoryo. Nahahati rin ang bansa sa dami ng opinyon kung ano ang dapat na isagawang hakbang.
Dahil sa mga suliraning teritoryal at hangganan, may mga nalilikha rin na mga alyansa ng mga bansa para madepensahan ang kani-kaniyang interes at teritoryo.
Ang ilang halimbawa nito ay ang Axis Powers, Allied Powers, NATO(North Atlantic Treaty Organization) at Communist Bloc.
Kapag ang mga suliraning teritoryal at hangganan ay hinaluan ng pampulitikang ideolohiya, lalong tumataas ang tensiyon sa salungatan na minsan ay nauuwi sa digmaan.
Ang halimbawa nito ay ang naganap sa Arab-Israeli conflict.
3. Epektong Pangkabuhayan (Mga epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong pangkabuhayan)
Apektado ang ekonomiya kapag ang isang bansa ay sangkot sa suliraning teritoryal. Tiyak na may negatibong epekto ito sa international investment decisions ng mga namumuhunan.
Maaari kasing maging mas masalimuot ang proseso ng pagnenegosyo at mas malaki ang gugol kung hindi tiyak kung aling bansa ang may sakop sa isang lugar.
Bukod dito, apektado rin ang kalakalan o pang-araw-araw na pagpapalitan ng produkto at serbisyo ng mga tao, lalo na kung mayroong pagbabanta sa panig ng mga nag-aagawang bansa.
4. Epektong Pangkapayapaan (Mga epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts) sa aspektong pangkapayapaan)
Anomang oras ay maaaring sumiklab ang gulo o digmaan sa mga nag-aagawan ng teritoryo, gaya sa pagitan ng Israel at Palestine, North and South Korea, Russia at Ukraine, at maging sa pagitan ng Tsina at Amerika na nagtatalo sa umano’y panghihimasok ng Tsina sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Napatunayan na sa kasaysayan ang kawalan ng kapayapaan na idinulot ng territorial at border conflict.
Nang labagin ng Germany ang Artikulo II Seksiyon 4 ng Charter ng League of Nations (ngayon ay United Nations) sa pamamagitan ng puwersahang pananakop sa ilang teritoryo, sumiklab ang World War II noong Setyembre 1, 1939 kung saan ay nadamay ang napakaraming bansa sa mundo … continue reading
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Basahin: Ang Epekto Ng Mga Suliraning Teritoryal At Hangganan (Territorial And Border Conflicts
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Pilipinas vs Tsina: Gusot sa West Philippine Sea
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
TALAKAYAN
1. Alin sa tingin mo ang mas may karapatan sa West Philippine Sea/South China Sea? Depensahan ang iyong sagot.
2. Anu-ano ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border conflicts)? Magbigay ng isa at talakayin.
3. Ano ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan sa aspektong panlipunan?
4. Talakayin ang epekto ng territorial and border conflicts sa aspektong pampulitika sa bansa.
5. Anu-ano ang mga epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan sa aspektong pangkabuhayan at pangkapayapaan ng mga mamayan?
TAKDANG-ARALIN
E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin
a. Mag-online sa www.AlaminNatin.com. Sa pamamagitan ng search engine nito, hanapin ang blog na “Political Dynasty sa Pilipinas: Mga Bentaha at Disbentaha.”
b. Basahin ang lektura.
c. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Sang-ayon ka ba sa political dynasty sa Pilipinas? Depensahan ang iyong sagot gamit ang mga tinalakay sa artikulo. Gumamit ng #PoliticalDynasty #[PaboritongPulitiko]
e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga professional) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.
f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.