Ang Epekto ng Graft And Corruption sa Pagtitiwala at Partisipasyon ng Mga Mamamayan sa Mga Programa ng Pamahalaan

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga mamamayan sa mga programa ng pamahalaan

Mayroong hindi magandang epekto ang graft and corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga mamamayan sa mga programa ng pamahalaan. Narito ang ilang halimbawa:

1. Nawawalan ng tiwala sa pamahalaan

Kapag talamak ang graft and corruption sa isang lugar, nawawalan ng tiwala ang mga tao sa gobyerno mismo. Nananawala rin ang kanilang pagtitiwala sa mga nanunungkulan at nadadamay maging ang matutuwid na pulitiko. (Basahin: Ang Pamahalaan: Mga Katangian ng Mabuting Namumuno sa Gobyerno)

2. Nawawalan ng interes na makipagkaisa

Nag-aatubili o nawawalan ng interes na makipagtulungan o makipagkaisa ang mga tao sa gobyerno, maging sa magagandang programa at proyekto na inilulunsad nito. Bumababa ang antas ng civic engagement at political participation ng mga mamamayan.

3. Natututong maging corrupt na rin

Kapag hindi mabuwag-buwag ang graft and corruption, may ilan na nakikiayon o sumusunod sa agos ng hindi tamang kalakaran ng corruption. Ang mas masama, ang iba ay nakikibahagi na rin sa mga corruption para magtamo ng pakinabang. (© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com)

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Kaugnayan ng Graft and Corruption sa Aspektong Pangkabuhayan at Panlipunan

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist 

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.