Ang Cognitive Triangle: Ang koneksyon ng Iniisip, Nadarama, at Kinikilos

Tumutugon ang artikulong ito sa Kasanayang Pampagkatuto na: Naipakikita ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos sa isang kongkretong pangyayari sa buhay

Ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos

Ang koneksiyon, kaugnayan o relasyon sa isa’t isa ng iniisip, nadarama, at kinikilos ng isang indibidwal ay ipinaliwanag ng isang Amerikanong psychiatrist na si Dr. Aaron T. Beck.

Napag-aralan niya sa kaniyang clinical practice na ang negatibong pag-iisip ay may malaking kinalaman sa pagkakaroon ng depresyon o malabis na kalungkutan.

Ang totoo, maging sa mga kongkretong pangyayari sa buhay mo ay makikita mo ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.

Halimbawa, ang pag-iisip na paborito ng magulang mo ang iyong kapatid ay maaaring magbunga sa iyo ng mapait na damdamin (bitterness) at pagkainggit (jealousy).

Maaaring dahil dito ay maging mapait at hindi maganda ang maging pakikitungo mo sa iyong mga magulang at sa iyong kapatid na iniisip mong paborito nila.

Ang Cognitive Triangle

Sa larangan ng sikolohiya (psychology), inihahayag ng konsepto ng Cognitive Triangle ang likas na koneksyon sa pagitan ng saloobin, damdamin, at pag-uugali.

Ang Cognitive Triangle ay tumutukoy sa modelong sikolohikal na nagpapakita sa mga pagkakaugnay-ugnay o koneksiyon ng mga kaisipan, aksyon, at damdamin na nakapalibot sa isang kaganapan.

Ipinaliliwanag nito na ang pagbabago sa isa sa tatlo ay magbubunga ng pagbabago sa dalawang natitira.

Ang Cognitive Triangle ay isa sa mga basehan ng isang therapy na tinatawag na Cognitive Behavior Therapy (CBT). … ituloy ang pagbasa ukol sa Cognitive Behavior Therapy

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

Ang mga kaugnay na paksa ay mahahanap sa search engine sa taas: https://myinfobasket.com/.

SA MGA GURO:
Maaaring gawing online reading assignment o e-learning activity itong klase, gamit ang ganitong panuto:
“I-search sa search engine ng MyInfoBasket.com o OurHappySchool.com ang essay na [buong pamagat ng lektura]. Basahi ang nilalaman. I-share ito sa iyong social media account*. Ilakip ang iyong maikling summary sa essay. I-screen shot ang iyong post, isumite sa iyong guro.”

*Maisi-share ang article na ito sa social media gaya ng Telegram, Twitter, Instagrame-mail, at iba pa.

Sa mga Estudyante:

Maraming libreng lektura sa site na ito, MyInfoBasket.com, ang makatutulong sa iyo. Hanapin sa search engine sa itaas.

Basahin din:

Kagandahang Asal Sa Kabataan: Isang Tula

Philippine Sangguniang Kabataan (SK): Abolition or Reformation?

Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan