Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality
1. Ano, para sa iyo, ang pasasalamat?
Ang pasasalamat ay isang aksyon o gawi na ating ginagawa kung mayroong ibang tao na gumawa ng kabutihan sa atin tulad ng pagtulong kung mayroong tayong kailangan.
Para sa akin, ang pasasalamat ay bahagi ng buhay ng isang tao. Sa araw araw nating pamumuhay, hindi dapat mawala ang pagpapasalamat natin sa mabubuting bagay na nagaganap sa atin.
2. Bakit mahalaga na maisabuhay mo ang birtud na pasasalamat?
Mahalagang maisabuhay ang birtud na pasasalamat dahil napakadaming kahalagahan ang makukuha natin kung tayo ay magiging mapagpasalamat.
Halimbawa ay mapapabuti nito ang samahan natin sa kapwa natin at nakakapagbibigay rin tayo ng kasiyahan doon sa taong tumulong sa atin dahil sa ating mga pasasalamat.
3. Paano naipakikita ng tao ang kabutihang natatanggap sa iba?
Maipapakita ng tao ang kabutihang natanggap sa iba sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa nagbigay ng kabutihan.
Maari rin nating gawan ng mabuting bagay ang nakatulong sa atin. Maaari nating gawin ito nang hindi humihingi ng kapalit.
4. Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan? Pangatwiranan.
Opo, dahil sa kanilang kabutihan ay natulungan nila tayo sa mga bagay na maaring nahihirapan tayo kaya mabuti lamang na tayo ay magpasalamat sa kanilang kabutihan.
5. Ano ang entitlement mentality? Magbigay ng halimbawa.
Ang entitlement mentality ay ang paniniwala ng isang tao na ang mga natatanggap niyang tulong ay mismong karapatan niya rin.
Sa madaling salita, ito ay kaisipan ng isang tao na hindi nya kailangang magpasalamat kapag siya ay binigyan ng tulong dahil sa paniniwalang kasama ito sa mga karapatan nya.
Ito ay kaisipang hindi tama. Halimbawa nito ay ang hindi pasasalamat ng mga anak sa sakripisyo ng kanilang mga magulang at kapag nagkulang naman ang mga ito ay magtatampo sila.
6. Ano-ano ang magagandang dulot ng pasasalamat sa ating kalusugan? Sa ating buhay?
Maraming maidudulot ito sa ating kalusugan at pamumuhay tulad na lamang ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili at pagiging positibo sa buhay. Kapag taglay ang mga ito, magbubunga ito nang mabuti sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan.
Sa pamamagitan ng pagiging mapagpasalamat ay nakabubuo rin tayo ng samahan sa kapwa. Lahat ng ito ay ating magagawa kung patuloy tayong magiging bukas sa pagpapasalamat.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Kaugnay na Assignment:
Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti
Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot
Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers