“Ang Aking Plano Para sa Kursong Nais”: Ilang Aktibidad

May mga nahulog sa paghihirap sapagkat hindi nila gaanong pinagtuunan ng pansin ang pagpili ng kanillang kinuhang kurso. Hindi naisip ng iba na kinakailangan ang tamang pagpili ng kurso.

Ang tama o mabuting pagpili ng kurso ay nag-iiwas sa pagkakamali at pagkaabala. Ang masayang karera ay nagsisimula sa tamang saloobin. Ang iyong karera ay nag-uumpisa sa pagpasok sa iyong kurso. Ang mabuting pagpili ng kurso ay unang hakbang sa pagkakaroon ng magandang hinaharap.

Hindi maitatanggi na isang mahalagang punto sa buhay ng mga nagbibinata/nagdadalaga ang pagpili ng kurso.

Importanteng maisa-alang-alang ang lahat ng makaiimpluwensiya sa kanila sa pagpili nito. May mga panlabas na salik na nakakaapekto sa paggawa ng desisyon sa kurso tulad ng Katayuan Sa Lipunan. Paaralan at Lokasyon ng Tirahan, Mga Inaasahan ng Magulang o Pamilya, Kultura at Oportunidad sa Trabaho.

Unang Aktibidad: Kahinaan at Kalamangan ng Ilang Kurso sa Pilipinas

Layunin:

Ang gawaing ito ay naglalayon na magbigay ng oportunidad sa mga nagbibinata/nagdadalaga na suriin ang ilang mga kurso na iniaalok ngayon.

Materyales:

Panulat (ballpen), papel o bond paper

Pamamaraan:

Magsaliksik ng mga napapanahong kursong iniaalok ngayon. Maaring magtanong sa mga guidance counselor o magsaliksik sa internet. Gawan ng buod gamit ang talahanayan sa ibaba. Maaring magsaliksik ng hanggang 10 kurso.

  KURSO  KALAMANGAN  KAHINAAN  
  1.    
  2.    
  3.    
  4.    
  5.    
  6.    
  7.    
  8.    
  9.    
  10.    

Talakayan/Pagbabahagi:

1. Mahirap bang magsaliksik tungkol sa mga kurso ngayon?

2. Ano ang natutunan mo sa aktibidad na ito?

3. Nakatulong ba sa iyo ang pagsusuring ito?

Dagdag Aktibidad: “Plano Para sa Kursong Nais”

Layunin:

Ang gawaing ito ay naglalayong tulungan ang mga nagbibinata/nagdadalaga na gumawa ng plano tungkol sa kursong nais batay sa personal na layunin at mga panlabas na salik na nakaiimpluwensiya sa pagpili ng kurso.

Materyales:

Panulat, papel o bond paper, (maaring gumamit ng computer at printer)

Pamamaraan:

Sundin ang talahanayan sa ibaba at sagutin ang mga kinakailangang impormasyon para sa isang simpleng plano para sa kursong ninanais. (Lagyan ng Tsek ang mapipiling sagot)

  Pangalan:  ___________________________ Baitang at Seksiyon:___________________
Plano A Kursong Nais   
  PANLABAS NA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSO 
  Katayuan Sa Lipunan  Kaya ba ng Magulang ko ang Matrikula? OO____ Hindi____  
  Paaralan at lokasyon ng tirahan  Ang paaralan ba na nag-aalok ng nais kong kurso ay madaling marating? OO____ Hindi____
  Mga Inaasahan ng Magulang o ng Pamilya  Aprubado ba sa mga Magulang ang Kurso? OO_____ Hindi ______  
  Kultura    Sang-ayon ba ang kurso sa kulturang kinabibilangan? OO__ Hindi___ Sang-ayon ba ang mga pinahahalagahan sa kursong nais? OO__ Hindi___  
  Mga Oportunidad sa Trabaho    Mataas ba ang porsiyentong magkatrabaho matapos kuhanin ang kursong ito? OO___ Hindi____
      
Ang Plano ‘B’ (gawing muli ang pattern para sa Plano B) (Pangalawang Kurso na Nais)      
Ang Plano ‘C’ (gawing muli ang pattern para sa Plano C) (Pangatlong Kurso na Nais)      

Talakayan/Pagbabahagi

1. Ano ang napansin mo sa planong ginawa mo? Makatutulong kaya ito sa pagpili mo ng kurso?

2. Nakita mo ba ang impluwensiya ng mga panlabas na salik sa pagpili ng kurso?

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

Kaugnay:

Mga Salik sa Personal na Pag-Unlad na Mahalaga sa Pagpili ng Kurso

Sariling Pananaw sa Halaga ng Personal na Pag-Unlad sa Pagpapasya ukol sa Kurso

‘Ang aking Malikhaing Paglalarawan ng Personal na Pag-unlad’: Isang Aktibidad

Ang Kamalayan sa Sarili (“self-awareness”) at ang Personal na Pag-unlad

Malikhaing Paglalarawan sa Personal na Pag-unlad: Creative Visualization 

Pananaw Sa Sarili At Personal Na Pag-Unlad