‘Ang aking Malikhaing Paglalarawan ng Personal na Pag-unlad’: Isang Aktibidad

Ang tinatawag na malikhaing paglalarawan ay isang pangkaisipang pamamaraan kung saan ay ginagamit ang imahinasyon upang maisakatuparan ang mga pangarap at layunin sa buhay.

Makatutulong ito upang paunlarin ang buhay ng isang indibidwal at gawing matagumpay ito. Ang malikhaing paglalarawan ay gumagamit ng kapangyarihan ng pag-iisip na siyang sikreto sa likod ng mga pagtatagumpay.

Mabisang instrumento ang pagbuo ng mga imahe sa kaisipan sa pagpapahusay ng mental na kalusugan ng mga nagbibinata/nagdadalaga. Kapag nagsanay ang mga nagbibinata at nagdadalaga ng positibong pagsasalarawan, natututo sila kung paano pamahalaan ang kanilang emosyon at pagaanin ang istress.

Kung ang isang indibidwal ay nagsasagawa ng malikhaing paglalarawan, bilang bahagi ng kaniyang plano sa personal na pag-unlad, itinuturing niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay bilang naganap na. Ang mga imaheng kaugnay ng pagtatamo ng tagumpay ay lalong manghihikayat sa kaniya na paghusayin ang kaniyang mga gawain.

Layunin ng aktibidad

Ang aktibidad o gawaing ito ay naglalayon na tulungan ang mga nagbibinata at nagdadalaga na makapagsagawa ng malikhaing paglalarawan ng kaniyang personal na pag-unlad.

Materyales:

Panulat (ballpen), papel o bond paper

Pamamaraan:

Mga hakbang sa pagsasagawa ng malikhaing paglalarawan ng personal na pag-unlad.

1. Isipin ang personal o pansariling pag-unlad.

2. Ilarawan sa iyong diwa na nakamtan mo na ang personal o pansariling pag-unlad sa hinaharap.

3. Isipin at gunigunihin na ito ay kasalukuyan nang nangyayari sa pamamagitan ng paglikha ng mga malinaw na imahe sa iyong kaisipan at pagtanda sa kahit munting detalye.

4. Sikaping gamitin ang lahat ng iyong pandama habang ginagawa ang malikhaing paglalarawan. Isaalang-alang din ang mga pinagdaanan mo sa iyong paglalakbay sa pagbibinata/pagdadalaga tulad ng mga pagbabago, mga stress, mga impluwensiya ng iba’t-ibang mahahalang tao sa buhay, mga pagpapasiya, at kung anu ano pang nasagupa mo sa pagtamo ng iyong tagumpay.

5. Ilarawan ang iyong malikhaing paggunita sa isang papel gamit ang iba’t-ibang art materials. Isumite sa iyong guro.

Talakayan at Pagbabahagi:

Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral na gustong magbahagi ng kanilang gawa.

1. Naniniwala ka ba sa magagawa ng malikhaing paglalarawan sa iyong buhay?

2. Ano ang natutunan mo sa gawain ng iyong mga kamag-aral?

Takdang Aralin; E-Learning activity

Sa comment section sa alinmang lektura sa MyInfoBasket.com, isulat ang hindi mo malilimutang leksiyon sa araling ito. Pasalamatan ang iyong guro at ang iyong mga magulang o guardian. Gamitin ang hashtag na #SorryThankYouGoodbye #PansarilingKaunlaran

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com