Ako Bilang Mag-aaral (Laban sa Pambubulas o Pambu-bully): Isang Essay
Ang pambubulas o bullying ay isang malaking isyu na karaniwang nauugnay sa ating mga paaralan. Isa rin ito sa mga kadahilanan kung bakit napakaraming kabataan ang nakakaranas ng depresyon.
Upang maiwasan ito, marapat lamang na maging mabuting halimbawa ako bilang mag-aaral na hindi nambubulas o nambubully.
Sa paaralan, tinuturuan ng mga magagandang asal ang mga mag-aaral upang magpakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa. Ang mga ito ay kailangang taglayin ko upang maging magandang halimbawa sa iba.
Pangungunahan ko ang pagsunod sa mga tuntunin ng paaralan lalo na patungkol sa pambubulas o bullying. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigang mag-aaral na gayundin ang gawin.
Sa mga kabataan namang nakaranas ng mga ganitong karahasan ay maaari silang tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagmamahal at paggalang sa kanila at pagpaparamdam na may karamay sila.
Maari silang hikayating isuplong o ipaalam ang pambubulas sa mga kinauukulan tulad ng Guidance Office upang maaksyonan ang nangyari sa kanila.
Maaari ring lapitan ang mga taong gumagawa ng ganitong pambubulas upang ipaunawa sa kanila ang masamang dulot ng kanilang ginagawa. Mahalagang maintindihan nila na malaki ang dulot ng pagsasagawa ng mga ganitong maling gawain o karahasan, pisikal o emosyonal man.
Para sa akin, ang maliliit na pagtulong kahit bilang mag-aaral man ay malaki ang magagawa upang mabawasan ang pambubulas o bullying na isang maling gawain.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Mga Kaugnay na Assignment:
Agwat Teknikal (Agwat Teknolohikal): Mga Tanong at Sagot
Ang Mga Tungkulin at Sakripisyo ng mga Magulang para sa mga Anak
Mga Paraan Upang Mapabuti Ang Komunikasyon
Ang Kabutihang Naidudulot ng Pakikipagkaibigan at Halaga Ng Pagpapatawad
Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak
Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality
Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti
Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot
Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers