Agwat Teknikal (Agwat Teknolohikal): Mga Tanong at Sagot
1. Ano ang tinatawag na “Agwat Teknikal” (Agwat Teknolohikal)?
Ang Agwat Teknikal ay ang agwat o pagkakaiba ng kaalaman at kasanayan sa pagitan ng mga kabataan at mga mas nakatatanda sa kanila.
Madalas na umiiral ito sa pagitan ng mga anak at kanilang mga magulang.
2. Bakit nagkakaroon ng ganitong kalagayan (“Agwat Teknikal” o Agwat Teknolohikal)?
Nagkakaroon ng ganitong kalagayan (“Agwat Teknikal” o Agwat Teknolohikal) dahil sa patuloy na pagbabago ng mga bagay sa ating paligid o sa ating mundo. Kabilang dito ang teknolohiyang naiimbento at ginagamit ng mga tao sa bawat yugto ng panahon.
Dahil sa mga pagbabago gaya ng mga imbensiyon, padami nang padami rin ang mga kaalaman at kasanayan na natututunan ng isang tao. Kadalasan ay ang mga kabataan ang may mas malawak na kaalaman patungkol sa mga pagbabago, tulad na lamang ng ukol sa makabagong teknolohiya.
3. Anu-ano ang mga pagkakaiba ng mga kabataan at ng mga magulang pagdating sa kaalaman sa teknolohiya?
Ang pagkakaiba ng mga kabataan at mga magulang sa kaalaman patungkol sa teknolohiya ay kapansin-pansin.
Ang teknolohiya ay kadalasang natututuhan ng mga magulang dahil sa kanilang mga trabaho, tulad ng mga guro sa panahon ngayon na Online Class ang sistema ng pagaaral.
Sa mga kabataan naman ay napakalawak ng kaalaman nila sa teknolohiya sapagkat ang ukol rito ay natututunan nila sa maraming bahagi ng kanilang buhay, gaya sa kanilang mga paglalalaro (e-games), pakikisalamuha sa mga kaibigan (social media), at maging sa pag-aaral (online class).
4. Isa-isahin ang mga dahilan ng pagkakaibang ito.
Ang kadalasang dahilan ng mga pagkakaibang ito ay ang kalituhan sa mga makabagong gadget at ang mga salita at terminolohiyang teknikal rito.
Sa patuloy na pagbabago ng teknolohiya sa atin, madami rin ang nababagong mga paraan at proseso sa paggamit nito. Kaugnay rito ang paraang paggamit ng teknolohiyang ito sa pagitan ng kabataan at sa mga nakakatanda.
Tulad ng aking nasabi, may kani-kaniyang layunin rito katulad na lamang ng para sa trabaho ng mga nakatatanda at ang sa mga kabataan naman ay kadalasang nagiging pinanggagalingan na ng saya dulot ng pag-lalaro ng video games.
5. Paano malulunasan ang ganitong agwat sa pagitan ng mga magulang at mga kabataan.
Upang malunasan ang ganitong agwat teknikal (Agwat Teknolohikal) sa pagitan ng mga kabataan at kanilang mga magulang, marapat lamang na maunawaan ng mga kabataan kung gaano kabilis na nagbabago ang takbo ng mundo na nagiging dahilan naman upang di gaanong makasabay ang mga magulang sa pagkatuto o pag-unawang mabuti sa mga bagong teknolohiya.
Kaya naman, ang mga kabataan ang dapat namagsilbing guro sa kanilang mga magulang tungo sa pantay na pagkatuto sa makabagong mga pamamaraan at teknolohiya.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Mga Kaugnay na Assignment:
Ang Mga Tungkulin at Sakripisyo ng mga Magulang para sa mga Anak
Mga Paraan Upang Mapabuti Ang Komunikasyon
Ang Kabutihang Naidudulot ng Pakikipagkaibigan at Halaga Ng Pagpapatawad
Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak
Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality
Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti
Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot
Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers