African Union: Mga Layunin

Isang unyong-kontinental ang African Union (AU). Ito ay binubuo ng lahat ng 55 na mga bansa sa kontinente ng Africa, na lumalawig nang bahagya sa Asya sa pamamagitan ng Sinai Peninsula sa Ehipto.

Ang African Union ay itinatag noong Mayo 26, 2001 sa Addis Ababa, Ethiopia, at inilunsad noong Hulyo 9, 2002 sa Timugang Afrika. Ito ay naglalayong palitan ang Organization of Africa Unity(OAU) na itinatag noong Mayo 25, 1963 sa Addis Ababa, na may ng 32 na kalahok na mga gobyerno.

Narito ang mga layunin ng AU:

1. Makamit ang higit na pagkakaisa at pagkakasundo sa pagitan ng mga bansa sa Africa at mga Aprikano.

2. Ipagtanggol ang soberanya, integridad ng teritoryo, at kasarinlan ng mga Kasaping Estado nito.

3. Mapabilis ang integrasyong pulitikal, panlipunan, at pang-ekonomiya ng kontinente.

4. Maitaguyod at maipagtanggol ang mga kumon na paninindigan ng mga bansa sa Africa sa mga isyung may kinalaman sa kontinente at sa mga mamamayan nito.

5. Humimok ng pagkakaroon ng internasyonal na pakikipagtulungan, na isinasaalang-alang ang Charter of the United Nations at ang Universal Declaration of Human Rights.

6. Maitaguyod ang kapayapaan, seguridad, at katatagan sa kontinente.

7. Magpalaganap ng mga demokratikong prinsipyo at institusyon, masiglang pakikilahok, at mabuting pamamahala.

8. Itaguyod at protektahan ang mga karapatang pantao alinsunod sa African Charter on Human and Peoples’ Rights at iba pang kaugnay na mga instrumento ng karapatang pantao.

9. Maitatag ang mga kinakailangang kondisyon na nagpapahintulot sa kontinente na gawin ang kanyang nararapat na papel sa pandaigdigang ekonomiya at sa mga internasyunal na negosasyon.

10. Itaguyod ang napapanatiling pag-unlad (sutainable development) sa antas na pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura pati na rin ang integrasyon ng mga ekonomiyang Aprikano.

11. Itaguyod ang kooperasyon sa lahat ng larangan ng aktibidad ng tao upang maitaas ang mga pamantayan ng pamumuhay ng mga mamamayang Aprikano.

12. Pagtugmain at pagbagayin ang mga polisiya sa pagitan ng mga umiiral at hinaharap na Regional Economic Communities para sa unti-unting pagkamit ng mga layunin ng unyon.

13. Isulong ang pagpapaunlad ng kontinente sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pananaliksik sa lahat ng larangan, partikular na sa agham at teknolohiya.

14. Makipagtulungan sa mga kasosyong internasyonal (international partners) sa pagpuksa ng mga maiiwasang sakit at pagtataguyod ng mabuting kalusugan sa kontinente.

Ang unyong ito ay binubuo ng lupong pulitikal at administratibo. Ang pinakamataas na organong gumagawa ng desisyon ay ang Assembly of the African Union, na binubuo ng lahat ng mga pinuno ng estado o pamahalaan ng mga miyembrong estado ng AU. Ang kapulungan ay pinamumunuan ni Paul Kagame, Pangulo ng Rwanda.

Ang AU ay mayroon ding kinatawang lupon, ang Pan African Parliament, na binubuo ng 265 na miyembro na inihalal ng mga pambansang lehislatura ng mga miyembrong estado ng AU. Ang pangulo nito ay si Roger Nkodo Dang.

Isinasagawa ng Assembly of the African Union ang mga pinakamahalagang desisyon ng AU.  Ang Assembly of the African Union ay isang semi-annual na pagpupulong ng mga pinuno ng estado at pamahalaan ng mga estadong kabilang dito. Ang kalihiman ng African Union (AU), ang African Union Commission, ay matatagpuan sa Addis Ababa.

Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.